"Mahal"
(Music and lyrics by Alcariza Peregrino)
A E F#m D
I
Akala ko noon, ako ay mahalaga; damdamin ay naiiba
Akala'y ikaw na, sa'kin ay nagmamahal; makakapiling sa tuwina
Ngunit, tayo ay nagkamali
Nasaktan ang bawat isa nang hindi sinasadya
Pero kung maibabalik ko lang
Ang kahapong kay saya, lahat itataya sinta
Chorus:
Mahal, mahal na mahal kita
Ang puso ko'y sumisigaw; sana'y muling makasama ka
Ibuhos mo ang pag-ibig na wagas upang mapawi ang hapdi ng tadhanang kay lupit...
MAHAL
II
Kung kinakailangan na limutin na kita upang ikaw ay lumigaya,
Gagawin ang nararapat 'pagkat ang gusto ko lang naman ay mapawi ang luha
Dahil tayo ay nagkamali,
nasaktan ang abwat isa nang hindi sinasadya
Pero kung maibabalik ko lang
ang kahapong kay saya, lahat itataya sinta
(Repeat Chorus)
MAHAL KITA